Tuesday, September 9, 2008

Boring...

Boring. Yun ang masasabi ko sa buhay ko ngayon. walang bago, paulit-ulit, pare-pareho. Napaka-routine ng buhay ko at anong gagawin mo? Syempre wala. Mas mabuti pa yan kaysa na magsipag ka pero alam mo naman na wala itong patutunguhan at wala ka namang makukuhang satisfaction. Isa ito sa mga bagay para maibsan ang kaboringan ng buhay. Meron pang iba pang mga paraan katulad ng:

1. Pagpapakaadik sa computer games tulad ng DotA, World of Warcraft at iba pa. (Minsan ginagawa ko ito)
2. Pagiging emo para maghinagpis sa pagka-boring ng kanilang mga buhay.(Emo!?! ASA!!!)
3. Paghithit ng droga para makalimutan ang nakakabagot at aksayadong buhay.(Bawal yan eh)

Ikumpara mo sa mga bagay na ito, masasabing parehong mas maayos at malala ang aking paraan para hindi mabagot.Mas mabuti, dahil alam ko rin na walang patutungahan ang mga bagay na ito at mas malala, dahil masaya sila sa mga bagay na ito kahit na wala itong ikabubuti sa kanilang sarili.
Hay naku! ang boring talaga.

No comments: