Sunday, November 16, 2008

Ano ba yan...

Hay naku! sunday na naman, isang araw bago monday. Ang labo nga eh. Sobrang bored ako dito sa bahay, pero sigurado pag-pumasok ako sa school bukas tatamarin din ako.

Wednesday, September 10, 2008

Pagmumura

Para sa akin, ang pagmumura ay isang bisyong hindi mapigilan. Araw-araw may isang mura na lumalabas sa aking bibig. Ito ay nasasabi ko kapag ako'y naiinis at nagagalit (****, anong ginawa mo!?!), nasasabi ko kapag ako'y masaya (**** nakapasa ako sa long test) at kapag ako'y nababagot (****-*** ang tagal naman niyan).
Bakit nga ba hindi ito naiiwasan? hindi nating maiwasan ang pagmumura dahil sa versatility ng mga salitang pangmura, nagagamit ito na taliwas sa orihinal nitong ibig-sabihin, pwede itong maggamit bilang maging ekspresyon ng pagkagulat(****!), paghanga (**** ang galing mo!), pagkadesperado (**** nasan ang assignment ko!) at marami pang iba.
Kaya sa susunod na isipin niyong masama ang pagmumura, dapat isipin din may iba pa itong gamit.

Tuesday, September 9, 2008

Boring...

Boring. Yun ang masasabi ko sa buhay ko ngayon. walang bago, paulit-ulit, pare-pareho. Napaka-routine ng buhay ko at anong gagawin mo? Syempre wala. Mas mabuti pa yan kaysa na magsipag ka pero alam mo naman na wala itong patutunguhan at wala ka namang makukuhang satisfaction. Isa ito sa mga bagay para maibsan ang kaboringan ng buhay. Meron pang iba pang mga paraan katulad ng:

1. Pagpapakaadik sa computer games tulad ng DotA, World of Warcraft at iba pa. (Minsan ginagawa ko ito)
2. Pagiging emo para maghinagpis sa pagka-boring ng kanilang mga buhay.(Emo!?! ASA!!!)
3. Paghithit ng droga para makalimutan ang nakakabagot at aksayadong buhay.(Bawal yan eh)

Ikumpara mo sa mga bagay na ito, masasabing parehong mas maayos at malala ang aking paraan para hindi mabagot.Mas mabuti, dahil alam ko rin na walang patutungahan ang mga bagay na ito at mas malala, dahil masaya sila sa mga bagay na ito kahit na wala itong ikabubuti sa kanilang sarili.
Hay naku! ang boring talaga.

Monday, September 8, 2008

Hay Naku!

Hay Naku! Tapos na ang Humanities Week balik na ulit sa dating buhay pagkatapos ng isang week ng katamaran, kalokohan at dodgeball. Sa totoo lang hindi ako nag-enjoy sa mga activities noong Humanities week, ang gusto ko lang ay ang pagkakataon na mamahinga sa mga lessons at cramming sessions.